Map Graph

Talisay, Cebu

lungsod ng Pilipinas sa lalawigan ng Cebu

Ang Lungsod ng Talisay ay matatagpuan sa lalawigang Cebu ng Pilipinas sa Gitnang Visayas. Itinatag ang estado ng Talisay noong 1648 sa pagmamay-ari ng mga paring Augustino. Naging munisipyo ang bayan noong 1849 kung saan tumayo si Ginoong Silverio Fernandez bilang gobernadorcillo at si Ginoong Pedro Labuca ang Kapitan. Nagmula ang pangalan ng lungsod sa mga puno ng Magtalisay na marami sa lugar na iyon. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,naging sentro ng paghihimagsik ng mga guerilla ang Talisay sa Cebu. Nilisan ng mga mananakop na Hapones ang bayan ng Talisay noong Marso 28, 1945 at itinatag itong araw ng pagdiriwang. Sa taong 2000, hinirang na lungsod ang Talisay.

Read article
Talaksan:Talisay_Cebu_1.jpgTalaksan:Ph_locator_cebu_talisay.pngTalaksan:Philippines_location_map_(square).svgTalaksan:Campinsa_Hills.jpgTalaksan:The_Hills_of_Campinsa.jpg